Naitala ng Australia ang kauna-unahang namatay sa Omicron variant ng COVID-19 sa kanilang bansa ngayong Lunes, Dec. 27, sa gitna ng panibagong surge ng daily infections.
Namatay ang nasa 80 anyos na lalake na may health condition kung saan nakuha ang virus sa isang health care facility at namatay sa Sydney hospital.
“This was the first known death in New South Wales (state) linked to the Omicron variant of concern,” pahayag ni NSW Health epidemiologist Christine Selvey.
Ang namatay ay kabilang sa anim na COVID-19 deaths na naiulat sa Australia.
Ngayong Lunes, nagtala ang Australia ng 9,400 bagong kaso ng COVID-19.
“Although we are seeing increased case numbers… we are not seeing the impacts on our hospital system,” pahayag ni Queensland prenier Annastacia Palaszczuk.
Ayon sa Australian authorities, hindi na muling isasailalim ang bansa sa lockdown sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 pero ibinalik ang ilang restriction.
Sa NSW, ang sapilitan pagkuha ng QR codes sa public venues ay muling ipinatutupad habang sa ibang states naman ay ibinalik ang pagsusuot ng face mask sa indoor public places.
Ibinaba rin sa apat na buwan mula sa anim na buwan ang pagtuturok ng booster shots.
(NP)
The post Kauna-unahang namatay sa Omicron variant sa Australia, naitala appeared first on News Patrol.
Kauna-unahang namatay sa Omicron variant sa Australia, naitala
Source: Trending Filipino News
0 Comments