Nasayang o “wasted” ang mahigit 4,000 doses ng COVID-19 vaccines dahil sa epekto ng Bagyong Odette, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Sa press briefing, sinabi ng opisyal na batay sa kanilang nakalap na bilang ay nasa 4,120 na doses ng COVID-19 vaccines ang nasira sa Regions 4-B (MIMAROPA), Region 6 (Western Visayas) at Region 7 (Central Visayas).
Nasira umano ang mga bakuna dahil sa kawalan ng kuryente o power outage at iba pang rason bunsod ng pananalasa ng bagyong Odette.
May mga bakuna rin aniyang ibinalik o inililipat upang mabatid kung maaari pang gamitin o maiturok sa mga tao.
Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy na nakatutok ang DOH sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng kalamidad maging sa bakunahan kontra COVID-19.
Matatandaang nakansela ang vaccination activity sa ilang mga lugar na sinalanta ng bagyo.
(Jocelyn Domenden)
The post Mahigit 4,000 doses ng COVID-19 vaccine, nasayang dahil sa bagyong Odette appeared first on News Patrol.
Mahigit 4,000 doses ng COVID-19 vaccine, nasayang dahil sa bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments