Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, may naiulat nang mga kaso ng fireworks-related injuries o FWRI ang Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang pinakabagong record ay kaninang alas-6:00 ng umaga na nasa 19 na FWRIs na.
Ayon pa kay Vergeire, ang lahat ng kaso ay dahil sa patutok.
Walang fireworks ingestion at stray bullet injury o nasawi.
Dagdag ni Vergeire na 37% sa mga naitalang FWRI ay sa Region 6.
Sinabi pa ni Vergeire na nasa 16 o 84% ng mga kaso ay nadale ng mga ilegal na paputok habang 3 o 16% sa mga kaso ay dahil sa legal fireworks.
Sa bilang na ito, 6 na kaso ay dahil sa boga, habang 3 ay dahil sa Piccolo.
Base sa ulat ng DOH, nitong 2021 mas mataas ng 58% kumpara sa nairecord noong 2020 ang kaso ng mga naputukan at 67% na mababa naman kumpara sa 5-year average sa kaparehong panahon.
(Jocelyn Domenden)
The post 19 na kaso ng fireworks-related injuries, naitala ng DOH bago sumapit ang Bagong Taon appeared first on News Patrol.
19 na kaso ng fireworks-related injuries, naitala ng DOH bago sumapit ang Bagong Taon
Source: Trending Filipino News
0 Comments