Returning OFWs papayagan nang maturukan ng booster shot

(File)

Papayagan nang maturukan ng booster shot ang mga returning Filipinos, ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC).

Sa anunsyo ng NVOC, maaari na silang turukan basta may primary at second dose na Sinovac, Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Sputnik V, at nakalipas na ang anim na buwan.

Habang sa single-shot Janssen vaccine naman ay may pagitan lamang na tatlong buwan.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kahit nadagdagan na ang mga indibidwal na pasok sa booster shot ay prayoridad pa rin ang mga hindi pa bakunado.

Kabilang sa mga dapat iprayoridad ang mga senior citizen at may comorbidities.

“Hindi pa rin sapat iyong (primary doses). Kailangan mapaigting pa ang pagpapabakuna sa kanila,” pahayag ni Cabotaje.

(Toni Tambong)

The post Returning OFWs papayagan nang maturukan ng booster shot appeared first on News Patrol.



Returning OFWs papayagan nang maturukan ng booster shot
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments