Northern Foods Corporation, ipinasasara na ng gobyerno

(Photo courtesy: Department of Agriculture; Pagbisita ng mga opisyales ng Dept. of Agriculture sa Northern Foods Corporation sa Sarrat, Ilocos Norte noong Sept. 26, 2020.)

Ipinasasara na ng Malacanang ang Northern Foods Corporation (NFC), isang government-owned at controlled corporation (GOCC) na isang tomato paste processing plant.

Sa bisa ito ng Memorandum Order 58 na ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea nito lamang December 1.

Tinukoy sa MO 58 ang mga dahilan ng pagbuwag sa ng NFC:

  • ang tungkulin o layunin nang likhain ang NFC ay hindi na ‘consistent’ sa national development policy ng estado;
  • hindi na nakapagpo-produce ang NFC ng ninanais na resulta at hindi na cost efficient, at
  • mas magagampanan ng pribadong sektor ang trabaho ng NFC

“Since its incorporation [in 1984], the NFC has been incurring annual net losses, except in the years 1989, 1995 and 2010,” saad pa sa memorandum.

Nakasaad din sa memo ang pagbuo ng technical working group na tututok sa pagbuwag at pagsasaayos ng mga natitirang utang.

“The TWG will settle the liabilities of the NFC, undertake steps necessary in the liquidation of its assets, and assist in the winding-up of its corporate affairs.,” ayon sa MO 58.

Samantala, ang mga empleyado na mawawalan ng trabaho ay makatatanggap ng separation pay.

(Toni Tambong)

The post Northern Foods Corporation, ipinasasara na ng gobyerno appeared first on News Patrol.



Northern Foods Corporation, ipinasasara na ng gobyerno
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments