(File)
Maaaring makauwi sa pamamagitan ng repatriation flights ang mga Pilipino na mula sa 14 na bansang nasa ilalim ng travel ban dahil sa Omicron variant, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
“So they would have to enter the Philippines through repatriation flights, either government or non-government initiated or mga bayanihan repartriation flights po,” pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval.
Isinailalim ng Inter-Agency task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa red list ang mga susmusunod na bansa sa gitna ng banta ng Omicron variant:
- South Africa
- Botswana
- Namibia
- Zimbabwe
- Lesotho
- Eswatini
- Mozambique
- Austria
- Czech Republic
- Hungary
- The Netherlands
- Switzerland
- Belgium
- Italy
Dagdag ni Sandoval, apektado ng nasabing travel ban ang mga overseas workers na babalik ng Pilipinas.
“They have to ccordinate with our Philippine embassy or consulate na pinakamalapit sa kanila para maalalayan sila sa kanilang repartriation flights, makapag-book ng special flight pabalik, sama-sama po sila,” paliwanag pa ni Sandoval.
Tiniyak naman ni Sandoval sa publiko na sila ay handa para magsagawa ng 100 percent passport inspection upang tingnan ang travel history ng lahat ng mga dumarating na pasahero sa nakalipas 14 araw.
(NP)
The post Mga Pinoy sa Red List countries makauuwi sa pamamagitan ng repatriation flights appeared first on News Patrol.
Mga Pinoy sa Red List countries makauuwi sa pamamagitan ng repatriation flights
Source: Trending Filipino News
0 Comments