(Photo courtesy: QC Government FB)
Handa nang magbukas para sa face-to-face class ang dalawang paaralan sa Quezon City sa Lunes, December 6, 2021.
Sa anunsyo ng Department of Education, ang dalawang eskwelahan na ito ay ang Bagong Silangan Elementary School at Payatas B Annex Elementary School.
Ayon sa Quezon City government ang dalawang paaralan ay sumailalim sa safety assessment ng DepEd at ng Department of Health.
“Makatitiyak ang mga magulang na magiging ligtas ang kanilang mga anak, maging ang mga guro, sa kanilang pagbabalik-eskwela,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Nauna rito, bumisita si Belmonte at ang inspection team ng lungsod na binubuo ng Department of Building Official (DBO), Schools Division Office (SDO), City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at Education Affairs Unit (EAU) sa dalawang eskwelahan.

Sa nasabing pagbisita, tiniyak ng inspection team na ang mga paaralan ay mayroong water, sanitation at hygiene (WASH) facilities, maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan at sapat na espasyo sa silid-aralan upang matiyak na mahigpit na ipinapatupad ang health protocols.
Inilagay din ang mga physical barrier, marker at signage para siguradong masunod ang physical distancing.
Ang mga inspeksyon na paaralan ay mayroon ding mga isolation room at on-standby na mga ambulansya.
(Toni Tambong)
The post 2 QC schools handa na sa pilot face-to-face classes sa Lunes, Dec. 6 appeared first on News Patrol.
2 QC schools handa na sa pilot face-to-face classes sa Lunes, Dec. 6
Source: Trending Filipino News
0 Comments