Produktong petrolyo, tataas na naman sa darating na Martes, December 21

Bad news para sa mga motorista!

Asahan na naman ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes, December 21, ayon sa oil companies.

Naglalaro sa P0.50 hanggang P0.70 kada litro ang madaragdag sa mga presyo ng petrolyo.

Inaasahan ang karagdagang P0.50 hanggang P0.60 kada litro sa diesel, nasa P0.50 hanggang P0.70 kada litro sa gasolina at P0.60 hanggang P0.70 kada litro naman ang kerosene.

Ito na ang ikalawang linggo na may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Samantala, ipagpapaliban muna ng Phoenix Petroleum ang dagdag-singil sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette.

(NP)

The post Produktong petrolyo, tataas na naman sa darating na Martes, December 21 appeared first on News Patrol.



Produktong petrolyo, tataas na naman sa darating na Martes, December 21
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments