291 na bagong Covid-19 cases, naitala sa bansa ngayong araw, December 18

Nananatiling mababa pa rin ang Covid-19 cases sa bansa ngayong araw, December 18.

Sa tala ng Department of Health, mayroong 291 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon, kaya umakyat na sa  2,837,555 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 523 na gumaling at 106 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,924) ang aktibong kaso, 97.9% (2,776,956) na ang gumaling, at 1.79% (50,675) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 4 na laboratoryo ang hindi operational noong December 16, 2021.

Tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Patuloy ang paalala ng gobyerno na maging maingat lalo pa at nakapasok na sa bansa nag Omicron variant.

Bukod sa pagsunod sa  minimiu health standards, pinapayuhan din ang lahat na magpabakuna na para magkaroon ng proteksyon laban sa coronavirus disease (Covid-19).

The post 291 na bagong Covid-19 cases, naitala sa bansa ngayong araw, December 18 appeared first on News Patrol.



291 na bagong Covid-19 cases, naitala sa bansa ngayong araw, December 18
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments