(Photo Courtesy: Sibagat Municipaal Information office)
Nabaon ng buhay ang 11 miyembro ng pamilya sa Sibagat, Agusan del Sur matapos ang nangyaring landslide kahapon, December 17, dahil sa bagyong Odette.
Ayon sa head ng emergency operations center ng nasabing lugar, naganap ang insidente sa Barangay Kioya.
Papunta na sana sa evacuation center ang magpa-pamilya nang maganap ang insidente. Una munang tinamaan ang mga biktima nang maputol ang puno ng balite at tuluyang nabaon sa lupa kasama ang isang anim na buwang sanggol.
Ayon pa sa ulat, tanging isang miyembro lang ng pamilya ang nakaligtas sa pagguho.
Tinukoy naman ang mga katawang narekober na kina Pirelyn C. Sanico, Proylan A. Cabalquinto, Pejie A. Cabalquinto at Arvie A. Cabalquinto.
Patuloy namang pinaghahanap ang mga nawawala na sina Jaypol M. Sanico, Ploralyn A. Cabalquinto, Babyjane A. Cabalquinto, Robert A. Cabalquinto, Zachary Peljay C. Sanico, Ziariah C. Sanico at Prince Rendel C. Calang.
(Toni Tambong)

The post 11 miyembro ng pamilya, nabaon ng buhay dahil sa landslide sa Agusan del Sur appeared first on News Patrol.
11 miyembro ng pamilya, nabaon ng buhay dahil sa landslide sa Agusan del Sur
Source: Trending Filipino News
0 Comments