PNP, ipatutupad ang “no vaccine, no job” policy sa hanay ng mga pulis

Pagbabawalan nang pumasok sa trabaho ng Philippine National Police (PNP) ang mga hindi pa bakunadong personnel, alinsunod sa resolusyon na inisyu ng Inter-Agency Task Force IATF).

Ito ang inihayag ng pamunuan ng PNP kung saan nakatakda na rin silang maglabas ng memorandum tungkol dito.

“We have exerted effort to convince our personnel to be vaccinated against COVID-19. We understand that this may be a matter of their personal choice but our priority is the general welfare at this time of pandemic,” ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 148-B, lahat ng establishments at empleyado sa public at private sectors ay kailangan i-require ang kanilang on-site workers na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon sa PNP, mula sa 222,000 personnel nasa 1,830 ang nananatiling walang bakuna hanggangg ngayong Linggo, Dec. 5.

Sinabi ni Carlos na mag-iimbita ang PNP ng health experts para kumbinsihin ang ibang personnel na magpabakuna laban sa COVID-19.

Dagdag pa ni Carlos na ikokonsulta  ng PNP sa IATF ang mga personnel na may valid reasons sa hindi pagbabakuna.

(NP)

The post PNP, ipatutupad ang “no vaccine, no job” policy sa hanay ng mga pulis appeared first on News Patrol.



PNP, ipatutupad ang “no vaccine, no job” policy sa hanay ng mga pulis
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments