(Photo courtesy: Sibagat Municipal Information Office; Nakuhang bangkay sa naganap na landslide sa Bgy. Kioya, Sibagat, Agusan del Sur)
Umabot na sa 208 ang nasawi sa bagyong Odette, batay sa datos ng Philippine National Police.
Naitala ang karamihan ng mga nasawi sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA.
Nasa 239 indibidwal din ang nasugatan habang 52 pa ang nawawala.
Samantala, bineberipika pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang naturang datos.
Sa kabilang banda, nakapag-rescue ang PNP ng kabuuang 563 indibidwal sa isinagawang 41 rescue at relief operations sa mga apektado ng bagyong Odette.
Patuloy naman ang paglalaan ng tulong sa 7,201 evacuation center kung saan tumutuloy ang 2,432 pamilya at binubuo ng 100,353 indibidwal.
Sinabi rin ni Department of Social Welfare and Development spokesperson Irene Dumlao na mayroong higit 2,000 evacuation center ang nagpapatira sa 270,000 indibidwal o 74,000 pamilya.
“The PNP communication lines and supply continue to be operational in all Police Regional Offices, ensuring effective command and control to supervise and direct post-disaster relief and rehabilitation operations,” pahayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.
“Lessons learned from the Yolanda experience taught us to continue to maintain conventional communication systems as back-up for modern digital telecommunications infrastructure.”
(Toni Tambong)
The post PNP: 208 patay sa pananalasa ng bagyong Odette appeared first on News Patrol.
PNP: 208 patay sa pananalasa ng bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments