(Photo courtesy: Art Yap FB)
Umabot sa 181,500 pamilya ang hinagupit ni bagyong Odette ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang mga ito ay nagnula sa 2,209 na mga apektadong barangay mula sa Mimaropa, Regions 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), 8 (Eastern Visayas), 10 (Northern Mindanao), 11 (Davao), 12 (Soccsksargen), 13 (Caraga) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Dagdag nito, nananatili ang 107,816 pamilya o 427,903 indibidwal sa 2,861 evacuation centers habang ang iba naman ay nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan.
Nitong Linggo, naiulat ng NDRRMC ang apat na kumpirmadong pagkasawi dahil sa “Odette” habang 27 ang kinukumpirma pa.
Kinukumpirma rin ng national council ang ulat ukol sa tatlong sugatan at isang nawawala.
Sinabi pa ng NDRRMC na 135 lugar sa Mimaropa, Regions 7, 8, 10, at BARMM ang nakararanas ng problema sa linya ng komunikasyon.
Nag-iwan ang “Odette” ng 3,612 partially damaged at 171 totally damaged na mga tahanan sa Mimaropa, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga at BARMM, ayon sa NDRRMC.
(Toni Tambong)
The post Mahigit 181K pamilya, sinalanta ng bagyong Odette, ayon sa NDRRMC appeared first on News Patrol.
Mahigit 181K pamilya, sinalanta ng bagyong Odette, ayon sa NDRRMC
Source: Trending Filipino News
0 Comments