Higit 1M Moderna vaccine na donasyon ng Germany, natanggap ng Pilipinas

(Photo courtesy: NTF)

Dumating na sa bansa ang 1,062,100 doses ng Moderna vaccine na donasyon ng Germany sa pamamagitan ng COVAX facility kahapon, Linggo, Dec 19.

Dumating ang mga bakuna bago umarangkada ang ikalawang round ng mass vaccination ng gobyerno sa Visayas at Mindanao na naantala dahil sa bagyong Odette.

Nagpasalamat naman si NTF Chief Implementer at vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr. sa German government at European Union

Sa datos nitong Disyembre 16, higit 43 milyong indibidwal na ang ikinokonsiderang fully vaccinated laban sa sakit at mahigit 100 milyon COVID-19 vaccine doses mula noong March ang naiturok.

(Toni Tambong)

The post Higit 1M Moderna vaccine na donasyon ng Germany, natanggap ng Pilipinas appeared first on News Patrol.



Higit 1M Moderna vaccine na donasyon ng Germany, natanggap ng Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments