Makati at Taguig, mawawalan ng tubig mula Dec. 20 hanggang Dec. 21

(Photo courtesy: Manila Water FB)

Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Makati at Taguig ngayong Lunes at Martes, December 20-21, ayon sa Manila Water Company Inc.

Ito ay para bigyang daan ang interconnection at aktibidad ng flushing maintenance.

Ang bahagi ng Brgy. Bambang at Brgy. Wawa sa Taguig ay mawawalan ng suplay ng tubig mamayang 10:00 ng gabi (Dec. 20) hanggang 4:00 ng madaling araw, Dec. 21.

Dahil ito sa interconnection maintenance na isasagawa sa Katipunan Mastrili St. Brgy. Bambang, Taguig City.

Ang ilang bahagi naman ng Brgy. Katuparan sa Taguig ay mawawalan ng suplay ng tubig mula 10:00 ng gabi ng December 20 hanggang 12:40 ng madaling araw ng December 21 dahil sa gagawing flushing maintenance sa Pag-Asa Street.

Bahagi naman ng Brgy. North Signal sa Taguig ang makararanas ng pagkawala ng suplay ng tubig mula 12:40 ng madaling araw hanggang  3:00 ng madaling araw ng December 21, para bigyan ng daan ang flushing maintenance sa Aguho St. at Acacia St.

Magkakaroon din ng water interruption sa bahagi ng Brgy. Pembo sa Makati ng isang oras lamang mamayang 10:00 hanggang 11:00 ng gabi, December 20 dahil naman sa flushing maintenance na gagawin sa Target Range kanto ng Jupiter St. Brgy. Pembo, Makati City.

Nagpaalala ang water company sa kanilang mga customer na mag-ipon ng tubig.

 

(Toni Tambong)

The post Makati at Taguig, mawawalan ng tubig mula Dec. 20 hanggang Dec. 21 appeared first on News Patrol.



Makati at Taguig, mawawalan ng tubig mula Dec. 20 hanggang Dec. 21
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments