(Photo credit: Philippine Navy)
Naglayag na rin ang BRP Ang Pangulo ng Philippine Navy para maghatid ng tulong at iba pang serbisyo para sa mga sinalanta ng bagyong Odette.
Bumiyahe ang BRP Ang Pangulo kagabi mula sa Pier 13 sa Manila South Harbor at patungo na sa isla ng Siargao.
Kabilang sa relief items na dala ng BRP Ang Pangulo ay mula sa Department of Social and Development o DSWD, gaya ng nasa 1,000 na kahon ng family food packs; at higit 1,200 na hygiene kits.
Ayon sa PH Navy, ang presidential yatch ay magsisilbi ring “floating hospital” na mayroong 10-bed capacity.
Bukod sa pagdedeploy ng BRP Ang Pangulo ay handa ang iba pang assets at pwersa ng Philippine Navy upang makatulong sa pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan natin na lubos na apektado ng Bagyong Odette o ng iba pang kalamidad.
(Jocelyn Domenden)
The post BRP Ang Pangulo, naglayag para umasiste sa relief efforts para sa mga sinalanta ng bagyong Odette appeared first on News Patrol.
BRP Ang Pangulo, naglayag para umasiste sa relief efforts para sa mga sinalanta ng bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments