Ikatlong kaso ng Omicron variant sa bansa, kinumpirma ng DOH

Naitala ng bansa ang ikatlong kaso ng COVID-19 Omicron variant sa umuwing Pinoy mula Qatar na may travel history sa Egypt, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes, Dec 20.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 36 anyos na lalake ay dumating noong Nov. 28 sa Mactan-Cebu International Airport via Qatar Airways flight QR 924.

Naiulat ng DOH na hindi bakunado ang nagpositibong pasyente.

Nananatiling asymptomatic ang pasyente mula ng dumating, ayon kay Vergeiire.

Ang sample ay kinolekta noong Dec. 4 at lumabas ang resulta kinabukasan, Dec. 5.

Dagdag pa ni Vergeire na muling sinui ang pasyente kahapon, Dec. 19, kung saan negatibo ang resulta ng RT-PCR test.

“He completed his isolation in Cebu before travelling back to cavite, his hometown and immediately underwent home quarantine,” pahayag ni Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire na malapit nang matapos ang home quarantine ng pasyente.

(NP/ with report from Toni Tambong)

 

 

 

The post Ikatlong kaso ng Omicron variant sa bansa, kinumpirma ng DOH appeared first on News Patrol.



Ikatlong kaso ng Omicron variant sa bansa, kinumpirma ng DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments