(Photo Courtesy: Screengrab from RTVM FB)
Nangangalap ng P2 bilyong inisyal na pondo ang gobyerno para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita niya sa Southern Leyte noong Sabado, December 18.
Sinabi pa ng pangulo na ang pondo ay manggagaling mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
Sa isang situational briefing sa Maasin, Southern Leyte ng pangulo, sinabi niya na limitado na ang budget dahil sa nagastos na ito sa ibang gastusin na may kinalaman sa coronavirus disease (COVID-19).
“There’s a little money left so I can help you… (but) we can’t release the budget immediately… what we’re planning to do now is get portions of the budget from different offices…this amount will be divided among all the areas that were hit by the typhoon,” sabi pa ng pangulo.
Nilinaw pa ni Duterte ma hindi naman niya direktang sinabi na wala nang pondo ang gobyerno kundi maliit na lamang ito dahil sa nagamit na sa Covid-19.
“We’re trying to scrape whatever we can from the savings of the government,” dagdag pa ng pangulo.
Sa kabila naman ng limitadong budget ay tiniyak ni pangulong Duterte na matutulungan ang mga biktima ng bagyo.
“Let’s not talk about how long the help will arrive. Give us a little bit of time because the budget, the year is about to end and a huge part of our savings was spent on COVID. There’s no limit even until now for as long as the people need it. So that’s what we’re going to work on,” dagdag pa ng Pangulo.
Nauna nang nagkasundo ang 17 Metro Manila mayors na mag-donate ng P100 million sa mga nabiktima ng bagyong Odette, ayon kay Benhur Abalos, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.
Samantala, patuloy na dumarami ang nagbibigay ng suporta at tulong sa mga bikitma ng bagyong Odette.
Ang mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo ay nag-pack ng mga kahon-kahong relief goods sa kanilang headquarters at relief operations center para dahil sa isla ng Siargao.
Pinangunahan ni Robredo ang relief operations at assesssment sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyo tulad ng Cebu at Bohol.
Wala pa ring kuryente at communication lines sa probinsya ng Bohol.
Ang bagyong Odette ay isa na sa pinaka-mapaminsalang bagyo na tumama sa bansa ngayong taon.
Siyam na beses itong nag-landfall habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at nagdulot ng matinding pinsala sa buhay at kabuhayan.
(NP)
The post Duterte: Pondo para sa mga biktima ng bagyong Odette, kulang na; gobyerno, mangangalap ng P2-B appeared first on News Patrol.
Duterte: Pondo para sa mga biktima ng bagyong Odette, kulang na; gobyerno, mangangalap ng P2-B
Source: Trending Filipino News
0 Comments