Kinumpirma ng New Zealand authorities na konektado sa COVID-19 vaccine ng Pfizer ang pagkamatay ng isang 26 anyos na lalaki roon.
Ayon sa ulat ng Reuters, nagkaroon umano ng myocarditis, isang uri ng pamamaga ng muscle ng puso, matapos siyang mabakunahan ng unang dose ng Pfizer vaccine.
Namatay ang lalaki dalawang linggo matapos mabakunahan.
“With the current available information, the board has considered that the myocarditis was probably due to vaccination in this individual,” ayon sa pahayag ng COVID-19 Vaccine Independent Safety Monitoring Board.
Ayon naman sa tagapagsalita ng Pfizer, alam na nila ang report tungkol sa namatay na lalaki at sa ngayon ay patuloy ang pagmonitor ng kumpanya sa mga adverse event na kontektado sa kanilang bakuna.
Ito ang ikalawang insidente ng pagkamatay sa New Zealand na kinokonekta sa Pfizer vaccine.
Noong Agosto, isang babae ang iniulat na nasawi at konektado umano sa naging epekto ng itinurok sa kanyang Pfizer vaccine.
(NP)
The post Pagkamatay ng isang lalaki sa New Zealand, konektado umano sa Pfizer vaccine appeared first on News Patrol.
Pagkamatay ng isang lalaki sa New Zealand, konektado umano sa Pfizer vaccine
Source: Trending Filipino News
0 Comments