COVID-19 vaccination sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, tuloy

(File)

Itinuloy ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette ang ikalawang yugto ng mass vaccination drive ng gobyerno ngayong araw, Dec 20, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na 639 lokal na pamahalan ang nag-kansela ng kanilang pagbabakuna dahil sa pananalasa ng bagyong Odette sa Viisayas at Minadanao.

“Karamihan sa kanila mag-uumpisa ngayong umaga ang kanilang bakunahan, iyong meron nang power o kaya meron nang pangtakbo ng kanilang mga generator, pahayag ni Cabotaje sa public hearing.

Ayon pa kay Cabotaje na may ilan lugar naman sa Central Visayas, Western Visayas at Caraga na ipinagpaliban ang pagbabakuna ngayong araw.

“Ang iba, nag-signify na sa Dec. 27 to 28 na, kasi naka-focs sila sa relief and rehab at saka mga rescue. Iniwan na natin po sa mga lokal na pamahalaan kung kalian na sila pwedeng mag-umpisa ng bakunahan at kung available na ang mga bakuna sa kanilang area,” dagdag pa ni Cabotaje.

“May sinabi din na kung kakayanin ng lokal na pamahalaan, pwede na ring magbakuna sa ating mga evacuation center. But we all leave it to the diskarte ng ating LGUs,” saad pa ni Cabotaje.

Matatandaan naman nagbabala kahapon, Linggo, Dec. 19 si Dr. Tony Leachon, dating adviser ng gobyerno sa COVIID-19 response, na posible ang surge ng impeksyon sa Visayas at Mindanao kung saan libo-libong indibidwal ang lumikas at tumutuloy sa evacuation centers.

Ayon kay Leachon na lantad sila sa panganib na mahawaan ng virus.

Dagdag naman ni Cabotae na tinitingnan nila ang kung may napinsala sa cold chain facilities sa Region 6 (Western Visayas) Region 7 (Central Visays) Region 8 (Eastern Visayas) kung saan nananatiling limitado ang komunikasyon at suplay ng kuryente.

 

(NP)

 

The post COVID-19 vaccination sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, tuloy appeared first on News Patrol.



COVID-19 vaccination sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette, tuloy
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments