(Photo courtesy: PCG; Pinsalang natamo ng Surigao City matapos hagupitin ng bagyong Odette)
May P200 milyon na pondo ang National Electrification Administration para mapabilis ang pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente at iba pang power infrastructure na sinira ng bagyong Odette.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy, ang naturang pondo ay nasa ilalim ng Electric Cooperatives Emergency Resiliency Fund o ECERF.
Sabi ni Gatchalian, sa ilalim ng ECERF law agad na mabibigyan ng financial assistance ang mga electric cooperative para mabilis na maayos ang mga nasirang linya ng kuryente at distribution facilities.
Paliwanag din ni Gatchalian na dahil sa naturang batas maiiwasan ng mga electric cooperative na ipasa sa mga consumer ang dagdag na gastusin sa kanilang buwanag electricity bill.
Umaasa rin si Senador Gatchalian na magagawan ng paraan sa lalong madaling panahon ang restoration ng power supply at Visayas at Mindanao bago sumapit ang kapaskuhan.
(Estrella Bueno)
The post P200 milyon pondo, nakalaan sa nasirang power infrastructure ng bagyong Odette appeared first on News Patrol.
P200 milyon pondo, nakalaan sa nasirang power infrastructure ng bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments