203 new cases ng COVID-19 ngayong araw; 41 laboratoryo hindi nakapagsumite ng datos

Pumalo na sa 2,837,577 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 203 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Ito ang pinakamababang bilang ng daily cases na naitala ngayong taon.

May naitalang 395 na gumaling para sa kabuuang bilang na 2,777,109 (97.9%)

Nasa 64 naman ang nasawi para sa kabuuang bilang na 50,739 (1.79%)

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 9,729 (0.3%) ang aktibong kaso.

Ang positivity rate ay 0.8 percent base sa samples na 28,823 indibidwal noong Dec. 17.

Apat na laboratoryo ang hindi operational noong December 17, 2021 habang nasa 41 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Ayon sa DOH, sinuspinde ang operasyon sa mga nasabing laboratory dahil sa bagyong Odette.

(NP)

 

The post 203 new cases ng COVID-19 ngayong araw; 41 laboratoryo hindi nakapagsumite ng datos appeared first on News Patrol.



203 new cases ng COVID-19 ngayong araw; 41 laboratoryo hindi nakapagsumite ng datos
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments