Pinakamalamig na temperatura sa Baguio at Metro Manila, naitala kahapon, December 5

Naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City at sa Metro Manila kahapon, Linggo, December 5, dahil sa hanging amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumagsak sa 11.4 degrees Celsius bandang alas-4:50 ng madaling araw ang temperatura sa Baguio City habang naitala naman ang 20.4 degrees Celsius kahapon ng alas-6:15 ng umaga sa Science Garden sa Quezon City.

“Ito ang pinakamababang record for both stations ngayong Amihan so far,” pahayag ni PAGASA weather specialists Ariel Rojas sa isang social media post.

Batay sa PAGASA, ang top 10 stations na nakapagtala ng pinkamabababang temperatura kahapon ng  umaga ay ang mga sumusunod:

• Baguio City, Benguet (11.4 ℃, 4:50 a.m.)

• Basco, Batanes 17.0 ℃, 8 a.m.)

• Tanay, Rizal (17.8℃, 6 a.m.)

• Casiguran, Aurora (18.8℃, 7:55 a.m.)

• Tuguegarao City, Cagayan (19.0℃, 4 a.m.)

• Abucay, Bataan (19.1℃, 5 a.m.)

• San Jose, Occidental Mindoro (19.6℃, 5 a.m.)

• Malaybalay, Bukidnon (20.0℃)

• Science Garden, Quezon City (20.4℃, 6:15 a.m.)

• Baler, Aurora (20.6℃, 5:30 a.m.)

(Toni Tambong)

The post Pinakamalamig na temperatura sa Baguio at Metro Manila, naitala kahapon, December 5 appeared first on News Patrol.



Pinakamalamig na temperatura sa Baguio at Metro Manila, naitala kahapon, December 5
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments