Pilot testing ng face to face classes sa Maynila, sinimulan na

(Photo: Christian Heramis)

Sinimulan na ng Aurora A. Quezon Elementary School sa Malate, Maynila ang pilot testing ng face to face classes ngayong araw, December 5.

Nasa 62 na estudyante ang sumalang sa face to face classes mula Kinder hanggang Grade -3.

Ayon kay Teacher Nadinne Antaran, nasa 12 estudyante ang papasok sa Kinder habang tig-16 naman mula Grade 1 hanggang Grade 3.

Sinabi pa ni Teacher Nadinne na hanggang dalawang buwan ang gagawin nilang face to face classes pero kada isang linggo ang pasok ng mga estudyante.

Ibig sabihin, isang linggo silang papasok sa paaaralan habang isang linggo rin na mananatili sa kanilang tahanan.

Para masigurong ligtas ang mga estudyante, lahat ay kinakailangan nakasuot ng face mask, face shield at saka kukunan ng body temperature bago tuluyang pumasok ng silid-aralan.

Hiwalay rin ang pasukan at labasan kung saan ang mga magulang ay mananatili lang sa labas ng paaralan.

Nagtutulung-tulong din ang mga guro at mga magulang para masunod ang health protocols.

Nagsimula ang klase kaninang 8:00 ng umaga at  natapos ng alas 11:30 ng umaga.

Muling sinimulan din ang klase sa Ramon AvanceƱa High School.

Ang 75 porsyento ng Sr. High Grade 12 students sa bread and pastry making ay pinananatili ang social distancing.

May ipinamahag ring health kits mula sa Manila LGU.

Samantala, umaasa ang ACT Teachers Party list na sa January 2022 ay magkakaroon na ng limited voluntary face to face classes ang lahat ng eskuwelaham sa bansa kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 at hindi makapasok ang omicron variant.

Sinabi ni Act Teachers Party list Rep. France Castro na kung matutuloy ito kailangan pa rin ang guidelines at requirements.

Kailangan din ng majority herd immunity sa pababakuna sa  mga guro , retroffiting ng mga eskuwelahan para sa handwashing facilities, water facility, sanitation at  dapat masunod ang health protocol tulad ng dalawang metrong  distansya ng mga mag-aaral.

Kailangan din na limitado lamang ang estudyante na papasok na hanggang 20 katao sa isang silid-aralan.

Mainam din na may naka-standby na doctor o nurse  at pondo  kung sakaling may magkasakit na bata o guro.

Hindi naman minumungkahi ng mambabatas ang pagkakaroon ng plastic barrier dahil napipigilan nito ang daloy o pag-ikot ng hangin.

Aminado naman ang mambabatas na mayroon pa ring mga guro na may alinlangan sa bakuna dahil ang iba ay namimili rin umano ng brand ng bakuna na gusto nilang matanggap.

Hindi naman siya pabor sa mandatory vaccination dahil labag ito sa konstitusyon ng bansa.

(Christian Heramis/Jocelyn Domenden)

 

The post Pilot testing ng face to face classes sa Maynila, sinimulan na appeared first on News Patrol.



Pilot testing ng face to face classes sa Maynila, sinimulan na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments