P10K honorarium para sa poll workers, iginiit ng Act Teachers

(File)

Iminumungkahi ng Act Teachers Party list na madagdagan ang honorarium ng mga guro na magsisilbi sa May 9, 2021 elections.

Ayon kay Act Teachers Party list Rep. France Castro sa Balitaan sa Maynila, may ibinigay nang P1000 across the board na karagdagan sa honoraria sa poll workers.

Pero, aniya ito ay maliit dahil magtatrabaho ang mga volunteer mula alas 6 ng umaga hangang alas 7 ng gabi na oras ng botohan sa May 9, 2021.

Mungkahi ng mambabatas na dapat P10,000 ang honorarium ng mga volunteer BEI (board of election inspectors) para ma-cover na rin aniya ang ilang araw nilang gagawin.

“Biro niyo kapag 6 am, alam nyo po madaling araw pa lang yan pupunta na yan sa polling precinct nila para sa preparation…after 7pm aabutin na rin siguro yan ng kinabukasan para sa pagsa-submit nila ng kanilang paraphernalias para sa designated Comelec area, so tingin natin dapat madagdagan” giit pa ni Castro.

Ayon kay Castro, hiniling na nila ito sa bicameral comittee na dagdagan ang honorarium ng poll workers.

“At least 2 bilyon para madagdagan ang honorarium ng ating volunteer poll workers ” pahayag pa ni Castro.

Sa ngayon, ang chairman ng BEI ay P6,000 ang ibinibigay, ang mga miyembro ng BEI ay P5,000 habang ang ibang DepEd staff ay mayroong  tatanggap ng P4,000 o kaya P2,000.

Ito aniya ang kasalukuyang nasa batas kaya gusto nilang taasan at maging uniform ang halagang matatanggap na honorarium ng mga poll workers sa halagang P10 libo dahil pare-pareho naman ang kanilang ginagawa sa panahon ng halalan.

(Jocelyn Domenden)

The post P10K honorarium para sa poll workers, iginiit ng Act Teachers appeared first on News Patrol.



P10K honorarium para sa poll workers, iginiit ng Act Teachers
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments