Bumaba nang bahagya ang reproduction number ng COVID-19 o antas ng hawahan sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research Group ngayong Lunes, December 6.
Mula sa 0.36 noong November 26 hanggang December 2 ay bumaba ito sa 0.35 na lamang para naman sa November 29 hanggang December 5.
Kung ikukumpara naman sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, lubhang mas mababa ito dahil noong 2020 ay mayroong 0.92 na reproduction number ang NCR.
Matatandaan na ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan ng pagbagal ng hawaan ng virus.
Mas mababa rin umano ayon sa OCTA ang average new cases na naitatala araw-araw, ngayong taon nasa 112 lamang kumpara sa 370 noong nakaraang taon.
“Comparing the NCR the past week with the same time period last year, the averange number of cases is lower by 70%,” sinabi ng OCTA sa kanilang tweet.
Bagama’t walang pagkakaiba sa testing rate sa NCR, di hamak na mas mabuti na ang ipinapakita ng mga indicators nila sa taong ito.
(Toni Tambong)
The post COVID-19 reproduction rate sa NCR, sumadsad sa 0.35 appeared first on News Patrol.
COVID-19 reproduction rate sa NCR, sumadsad sa 0.35
Source: Trending Filipino News
0 Comments