Pilipinas isinailalim na sa minimal risk classification sa COVID-19

Isinailalim sa minimal risk classification ang Pilipinas dahil sa patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, batay sa ulat ng Department of Health ngayong Lunes, Dec. 6.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang average daily attack rate mula November 22 hanggang December 5.

Nangangahulugan ito na mula sa low risk ay bumaba pa sa minimal risk ang bansa.

“Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every 100,000 individuals,” pahayag ni Vergeire sa  media briefing.

Ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Zamboanga Peninsula na lamang ang natitira sa low risk case classification.

Nasa 1.80%  naman ang positivity rate ng bansa, kung saan ang Metro Manila ay may 1.1%.

Tumutukoy ito sa porsyento ng lahat ng sumailalim sa COVID-19 test na nag-positibo.

Nakapagtala na ng 2,834,775 COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang kahapon, Linggo, Dec. 5, kung saan 13,853 ang mga aktibong kaso habang nasa 49,386 ang nasawi.

(Toni Tambong)

The post Pilipinas isinailalim na sa minimal risk classification sa COVID-19 appeared first on News Patrol.



Pilipinas isinailalim na sa minimal risk classification sa COVID-19
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments