Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Dec. 7

Mahigit P2.00 kada litro ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista bukas, Martes, Dec. 7, 2021.

Mababawasan ang diesel ng P2.65 kada litro, P2.40 kada litro ng gasolina at  P2.70 kada litro sa kerosene.

Ito na ang ika-limang linggong na may bawas-singil sa mga nasabing produkto.

Sa mahigit isang buwan na rollback, may kabuuang P5.05 kada litro ang ibinaba sa presyo ng diesel, nasa P6.25 kada litro naman sa gasolina at P5.25 kada litro sa Kerosene.

Magpapatupad ng rollback ang kumpanyang Caltex mamayang 12:01 am.

Bukas ng ala-6:00 ng umaga naman ipatutupad ng Pilipinas Shell, Seaoil, PetroGazz, Unioil at PTT Philippines ang bawas-singil sa petrolyo.

Habang ang Cleanfuel ay epektibo bandang 8:01 ng umaga.

Ayon sa global experts, ang banta ng omicron COVID-19 variant ang dahilan sa pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa pinakabagong datos ng Department of Energy (Doe) ang year-to-end adjustments ay may net increase na P15.70 kada litro sa diesel, nasa P18.10 kada litro sa gasolina, at P13.19 kada litro naman sa kerosene.

(NP)

 

The post Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Dec. 7 appeared first on News Patrol.



Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Dec. 7
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments