(Photo Courtesy: Photo by Ely E. Dumaboc thru PNA/ Barangay Baliwasan, Zamboanga City, crime scene kung saan naganap ang pamamaril kina Mayor Darussalam Lajid ng Al-Barka, Basilan at Mayor Alih Sali of Akbar, Basilan)
Dalawang alkalde sa Basilan ang pinagbabaril sa Baliwasan Seaside, lampas alas-8:00 ng umaga ngayong Lunes, December 6.
Dead on the spot ang biktimang kinilala na si Mayor Darussalam Saguindilan Lajid, alkalde ng Al-Barka, Basilan.
Isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si Mayor Alih Awal Sali na alkalde naman ng Akbar, Basilan matapos na mapuruhan sa pamamaril.
Sugatan din sa pamamaril ang dalawang security escort.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa isang barge ang mga biktima mula sa probinsya ng Basilan at habang nasa pantalan ang mga ito ay bigla na lamang pinaputukan ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Ayon sa mga awtoridad, apat na motorcycle riding suspects ang bumaril sa mga biktima gamit ang kalibre 45 na baril na agad namang tumakas sa loobang bahagi ng seaside sa barangay Baliwasan matapos ang krimen.
Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng pamamaril.
Nagsagawa naman ng malawakang checkpoint ang mga awtoridad para sa pag-aresto sa mga suspek.
(Toni Tambong)
The post Dalawang Mayor sa Basilan pinagbabaril; isa dead on the spot, isa kritikal appeared first on News Patrol.
Dalawang Mayor sa Basilan pinagbabaril; isa dead on the spot, isa kritikal
Source: Trending Filipino News
0 Comments