Naitala ng Department of Health (DOH) ang 543 na panibagong COVID-19 cases ngayong Lunes, December 6, 2021.
Dahil dyan ay umakyat na sa 2, 835,154 ang kabuuang kaso sa bansa.
Mayroon namang naitalang 830 na gumaling at 113 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5% (13,548) ang aktibong kaso, 97.8% (2,772,107) na ang gumaling, at 1.75% (49,499) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, dalawa sa mga laboratoryo ang hindi operational noong December 4, 2021 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng pitong labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
“Of the 113 reported deaths, only 14 occurred in December 2021. 21% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” ayon sa pahayag ng DOH.
Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso ay nagpapaalala pa rin ang DOH sa publiko na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19.
Payo ng kagawaran, ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing at maghugas ng kamay.
Agad ring magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
(NP)

The post 543 bagong Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 6 appeared first on News Patrol.
543 bagong Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 6
Source: Trending Filipino News
0 Comments