Pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang posibilidad na babaan ang alert level sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng banta ng Omicron variant, ayon sa DOH, Martes, Dec. 7.
“With the threat of the Omicron variant, pinag-aaralan pong maigi ng IATF kung napapanahon ba na ibaba po natin talaga ang alert level,”pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam sa radyo.
Ayon pa kay Vergeire na lahat ng mga probinsya, highly urbanized cities at independent component cities, sa Pilipinas ay nakasailalim sa alert level 2.
Para naman maibaba sa alert level 1, kailangang magkaroon ang mga lugar na ito ng vaccination coverage na 70 porsyento para sa senior citizens, persons with comorbidities at target population.
“Sa ngayon po ang nakaka-achieve pa lang niyan is the NCR,” giit ni Vergeire.
Nauna nang ipinahayag ni Vergeire na kailangang mapanatili ng mga lugar ang low-risk classification sa loob ng dalawang incubation periods at magkaroon ng sapat na pagsunod sa safety protocol.
(Toni Tambong)
The post Pagbaba ng Alert Level sa NCR, pinag-aaralan pa ng IATF sa gitna ng banta ng Omicron appeared first on News Patrol.
Pagbaba ng Alert Level sa NCR, pinag-aaralan pa ng IATF sa gitna ng banta ng Omicron
Source: Trending Filipino News
0 Comments