Matapos ang limang taon, bagong Philippine eagle isinilang

(Photo courtesy: Philippine Eagle Foundation)

Isinilang ang ika-29 na Philippine eagle nitong Sabado, December 4 sa Davao, ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF).

Sa pahayag ng PEF, si “Chick 29” ay ipinanganak bandang 1:16 pm. Masusi naman itong mino-monitor sa ilalim ng PEF Conservation Breeding Program.

Si Chick 29 ay bred in captivity at ang kanyang mga magulang ay sina Ariela at MVP Matatag, kapwa mga agilang nailigtas sa kagubatan.

“The chick started to pip at 12:03 pm on December 3 and took over 24 hours before it completely broke out of its egg,” dagdag pa ng PEF.

(In photo: Chick 29 na isinilang nitong December 4. Photo courtesy: Philippine Eagle Foundation)

Sinabi ni PEF Executive Director Dennis Salvador, limang taon na ang nakalipas bago maisilang ang isa namang Philippine Eagle.

Noong 2016 ipinanganak si Sakura pero nasawi ito matapos na makagat ng ahas.

“[Chick 29’s birth] is important because many of our old breeding birds have retired, and we’ve been working on new ones… It took us this long for those pairings to work,” ayon kay Salvador.

“We share this milestone with the Filipino people who have supported us through their donations and helped keep the PEF a safe home for our national bird amid the COVID-19 pandemic,” dagdag pa ng opisyal.

(Toni Tambong)

The post Matapos ang limang taon, bagong Philippine eagle isinilang appeared first on News Patrol.



Matapos ang limang taon, bagong Philippine eagle isinilang
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments