Viagra, posibleng makatulong din sa mga may Alzheimer’s disease, ayon sa US researchers

Maaaring makatulong sa mga may Alzheimer’s disease ang impotence pill na Viagra, ayon sa isang pag-aaral ng mga US researcher sa Cleveland, Ohio.

Base sa pag-aaral sa mga cell gamit ang Viagra, tinatarget ng gamot ang ilang protein na naiipon sa mga may Alzheimer’s.

Pitong milyong pasyente ang pinag-aralan ng Cleveland team at natuklasan nilang ang mga lalaking subject na gumagamit ng Viagra ay may mababang risk na magka-Alzheimer’s.

Ang Viagra na kilala rin bilang sildenafil, ay ginawa bilang heart drug dahil sa ang pangunahing epekto nito ay ang pagpapabuti ng daloy ng dugo sa katawan sa pamamagitan ng pagre-relax ng mga blood vessel o ugat.

Kalaunan, nadiskubri ng mga doktor na ito rin ang epekto sa iba pang mga ugat ng katawan, kasama ang mga ugat sa ari ng lalaki.

Mula noon ay napatunayang mabisa ito para sa paggamot ng erectile dysfunction.

Ngayon, isa pang tuklas ang kanilang tinututukan para sa mga pasyente naman ng Alzheimer’s disease.

“Because our findings only establish an association between sildenafil use and reduced incidence of Alzheimer’s disease, we are now planning a mechanistic trial and a phase II randomized clinical trial to test causality and confirm sildenafil’s clinical benefits for Alzheimer’s patients,” ayon sa lead investigator na si Dr. Feixiong Cheng.

(NP)

The post Viagra, posibleng makatulong din sa mga may Alzheimer’s disease, ayon sa US researchers appeared first on News Patrol.



Viagra, posibleng makatulong din sa mga may Alzheimer’s disease, ayon sa US researchers
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments