P74.3 bilyong halaga ng iligal na droga nasamsam sa ilalim ng Duterte administration

(In photo: Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bilyun-bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa Trece Martires City, October 2020. Courtesy: Philippine News Agency/Avito C. Dalan) 

Aabot sa P74.3 bilyong halaga ng iligal na droga at laboratory equipment ang nasabat sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte mula 2016.

Sa Talk to the People, iniulat ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 1,000 drug dens at clandestine laboratories ang naipasara.

Kabilang sa nasabat at winasak ng mga awtoridad ay 7,336.55 kilograms ng shabu, 3,784.33 kilograms ng marijuana, 12.64 kilograms ng ecstasy, 510.52 kilograms ng cocaine at 3,390.74 kilograms ng iba pang droga.

Itinuturing nang drug-cleared ang 23,686 sa 35,416 barangays sa buong bansa, ayon sa kalihim.

Sa ilalim ng anti-drug campaign, aabot sa 319,929 indibidwal ang naaresto, habang 6,221 naman ang namatay sa pagsasagawa ng operasyon, ulat ni Año.

4,086 menor na sangkot sa ilegal na droga ang na-rescue.

Iginiit ng kalihim na nag-resulta ang anti-drug campaign ng administrasyon sa mas mababang bilang ng krimen sa bansa.

“Almost 41% po ang ibinaba ng crime volume. Tumaas din po ang ating crime solution efficiency. Naging 85% at tumaas din po iyong crime conclusion efficiency,” aniya.

(Toni Tambong)

The post P74.3 bilyong halaga ng iligal na droga nasamsam sa ilalim ng Duterte administration appeared first on News Patrol.



P74.3 bilyong halaga ng iligal na droga nasamsam sa ilalim ng Duterte administration
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments