Mga rehiyon na sinalanta ni Odette, isinailalim sa state of calamity

(Photo courtesy: PCG)

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang mga  rehiyon na lubhang sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang linggo.

Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kabilang sa pinirmahan niyang resoulusyon ang mga rehiyon 4B, 6, 7, 8, 10 at 13.

“I have decided to declare a state of calamity. I will sign it now,” ayon pa sa  Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na ang nasabing deklarasyon ay makapagpapabilis sa relief at rehabilitation efforts sa mga calamity-stricken areas.

Sa uisang ulat, nauna nang  nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na irekomenda kay Pangulong  Duterte ang pagdedeklara ng state of calamity sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette.’

Ayon kay Salceda, sa ilalim ng National DRR Act (Republic Act 10121), ang NDRRMC ay dapat na magrekomenda sa Pangulo ng pagdedeklara ng state of calamity.

“A declaration will then activate measures such as price controls, reprogramming of funds for repair of infrastructure, and the granting of no-interest loans by the government financial institutions,” paliwanag ni Salceda.

Dapat din umanong bilisan ang pagpapalabas ng disaster response funds at President’s Contingency Fund na nakapaloob sa 2020 at 2021 General Appropriations Acts.

“You have around P6.5 billion in available fund balances from the NDRRMC Fund and the President’s contingent funds, based on latest budget reports,” dagdag pa ni Salceda.

“There is also the Presidential Social Fund, which is off-budget, and which the President can also immediately mobilize.”

Sinabi ni Salceda, chairperson ng House Committee on Ways and Means na nagbigay ng P2 bilyon ang PAGCOR sa President’s Social Fund ngayong taon.

Kung kakailanganin, sinabi ni Salceda na maaaring magpasa ng batas ang Kongreso para mailipat ang pondo ng mga ahensya para matugunan ang pangangailangan ng mga binagyo gaya ng ginawa noong pumutok ang bulkang Mayon at Guimaras Oil Spill noong 2006.

(Toni Tambong)

The post Mga rehiyon na sinalanta ni Odette, isinailalim sa state of calamity appeared first on News Patrol.



Mga rehiyon na sinalanta ni Odette, isinailalim sa state of calamity
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments