AstraZeneca at Oxford University, gagawa rin ng bakuna kontra Omicron variant

Sinisimulan na ng AstraZeneca ang paggawa ng bagong COVID-19 vaccine laban sa Omicron variant.

Ayon sa Astra, ito ay sa pakikipagtulungan ng Oxford University.

“Together with Oxford University, we have taken preliminary steps in producing an Omicron variant vaccine, in case it is needed and will be informed by emerging data,” saad ng pahayag ng spokesperson ng AstraZeneca.

Sa isang lab-study noong nakaraang linggo, natuklasang ang antibody cocktail na Evusheld ng AstraZeneca ay may bisa para ma-neutralize ang Omicron variant.

Bago ang AstraZeneca, nauna nang inanunsyo ng dalawa pang vaccine manufacturers, Pfizer/BioNTech at Moderna, na inuumpisahan na rin nila ang pag-develop ng bakuna laban sa Omicron variant.

Ito ay kasunod ng ilang mga ulat na ilang bakuna laban sa COVID-19 ay natuklasang mahina o walang bisa laban sa Omicron variant.

(NP)

The post AstraZeneca at Oxford University, gagawa rin ng bakuna kontra Omicron variant appeared first on News Patrol.



AstraZeneca at Oxford University, gagawa rin ng bakuna kontra Omicron variant
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments