NDRRMC: 177 patay, 275 sugatan dahil sa bagyong Odette

(Photo courtesy: Art Yap Fb/Padanon Mainland Getafe, Bohol)

Umakyat na sa 177 ang bilang ng nasawi dahil sa hagupit ni bagyong Odette.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, December 22.

Isa naman ang naitalang nawawala, na ngayon ay umaabot na sa kabuuang 38, Nananatili naman sa 275 ang bilang ng mga sugatan ayon pa rin sa rin sa datos ng ahensya.

Nitong Martes, iniulat ng Philippine National Police ang 375 na namatay, 515 sugatan at 56 na nawawala dahil sa nagdaang bagyo.

Subalit nilinaw ng PNP na isasailalim pa ang mga bilang na ito sa beripikasyon ng Office of Civil Defense at iba pang kaugnay na ahensya.

Sinabi naman ng OCD na gagawa sila ng paraan para berepikahin at pag-isahin ang mga datos at isasapubliko nito sa lalong madaling panahon.

(Toni Tambong)

The post NDRRMC: 177 patay, 275 sugatan dahil sa bagyong Odette appeared first on News Patrol.



NDRRMC: 177 patay, 275 sugatan dahil sa bagyong Odette
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments