261 na bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 22

Mahigit sa dalawang daang kaso ng Covid-19 ang naitala ngayong araw, December 22.

Ayon sa Department of Health, mayroong 261 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon.

Dahil diyan, umakyat na sa 2,837,784 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mula sa 261 na bagong infection, 247 ang nakakuha ng virus sa nakaraang dalawang linggo.

Karamihan ng kasong naitala ay nagmula sa Metro Manila.

Mayroon namang naitalang 395 na gumaling at 122 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,238) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,630) na ang gumaling, at 1.79% (50,916) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 20, 2021.

Mayroon namang 12 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na nai-test at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

(NP)

The post 261 na bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 22 appeared first on News Patrol.



261 na bagong Covid-19 cases, naitala ng DOH ngayong araw, December 22
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments