Omicron variant unang nakita sa Europe; Africa umalma sa panggigipit ng ibang bansa

Unang nakita ang Omicron variant ng coronavirus sa western Europe bago pa natukoy ang unang kaso sa South Africa, ayon sa Dutch health authorities.

Ayon sa RIVM Health Institute (National Institute for Public Health and the Environment in the Netherlands), natukoy ang Omicron variant sa samples mula Nov. 19 hanggang Nov. 23.

“It’s not yet clear whether the people concerned [in the earlier cases] have also been to South Africa,” pahayag ng RIVM.

Ayon pa sa RIVM, sinabihan ang mga pasyente tungkol sa kanilang Omicron infections kung saan agad sinimulan ang contract tracing ng local health services.

Inihayag din ng Belgium at Germany na kumpirmado sa kanilang sample tests na ang panibong COVID-19 variant ay natuklasan sa kanilang bansa bago pa nagbigay ng babala sa mundo ang South African health officials nitong Nov. 24.

Sa ngayon, kumalat na sa 20 bansa ang Omicron variant na sinasabing mabilis ang hawaan at kayang labanan ang ilang treatments at vaccines.

Maraming bansa ang nagpatupad ng travel ban sa mga pasahero mula sa mga bansa sa Africa.

Dahil dito, umalma ang ilang African politicians at scientists sa anila’y panggigipit ng mundo gayong may Omicron cases din sa ibang bansa.

Ayon sa mga African medical experts, advanced ang kanilang COVID-19 screening program kaya mabilis nilang natukoy ang bagong variant.

(NP)

The post Omicron variant unang nakita sa Europe; Africa umalma sa panggigipit ng ibang bansa appeared first on News Patrol.



Omicron variant unang nakita sa Europe; Africa umalma sa panggigipit ng ibang bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments