“Very low risk” na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research, Biyernes.
Sa datos na inilabas ni OCTA fellow Dr. Guido David sa Twitter, makikita rito ang naging improvement mula November 26 hanggang December 2 kumpara sa kaparehong panahon noong 2020.

(Photo courtesy: Dr. David Twitter)
“Based on our metrics, the NCR is now classified as VERY LOW RISK. The figure compares the numbers this week vs the same week last year,” saad sa tweet ni David.
Sinabi pa ng OCTA na umaabot na lang sa 138 ang average na naitatalang bagong COVID-19 cases kada araw mula Nov. 26 -Dec. 2, 2021 kumpara sa 416 noong 2020.
Pumalo na lang din sa 0.36 ang reproduction number ngayong taon kumpara sa 0.94 noong 2020.
Habang ang daily attack rate per 100,000 ay 0.97 na lang kumapara sa 2.94 noong nakaraang taon.
Ganoon din ang positive rate sa 1.2% ngayong 2021 mula sa 3.9% noong 2020.
Ang NCR ay mananatili sa Alert Level 2 hanggang Disyembre 15, 2021.
(Toni Tambong)
The post OCTA: Metro Manila ‘very low risk’ na sa COVID-19 appeared first on News Patrol.
OCTA: Metro Manila ‘very low risk’ na sa COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments