(In photo: Pinsalang sinapit ng Bohol matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.)
Umakyat pa sa 367 ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Sabado.
Sa naiulat na nasawi, 44 naman ang kumpirmadong patay, ayon sa NDRRMC.
Nagmula sa Palawan, Negros Occidental, Iloilo, Guimaras, Bohol, Southern Leyte, Bukidnon, at Misamis Oriental ang namatay.
Karaniwang naging dahilan ng pagkasawi ang pagkalunod at nabagsakan ng debris o puno.
Sa kabilang banda, nasa 62 indibidwal ang nawawala, habang 732 ang naiulat na nasugatan sa hagupit ng bagyong Odette.
Dagdag pa ng NDRRMC na umabot sa 3,567,588 indibidwal o 918,877 pamilya mula sa 5,674 barangays ang kabuuang naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga naapektuhang rehiyon ay ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.
(Toni Tambong)
The post NDRRMC: 367 na ang naiulat na nasawi sa bagyong Odette appeared first on News Patrol.
NDRRMC: 367 na ang naiulat na nasawi sa bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments