OCTA: Muling pagsusuot ng face shield hindi pa irerekomenda

 

Wala pang nakikitang dahilan ang independent research group na OCTA para irekomenda nila ang pagbabalik ng pagsusuot ng face shield.

Ito ay kahit pa may nakitang bahagyang pagtaas sa COVID-19 positivity rate sa bansa, bunsod ng holiday season at banta ng Omicron variant.

Sinabi ni Octa Research fellow Dr. Guido David na sinusuportahan nila ang pagususot ng face shield lalo na kung mayroong surge sa COVID-19 cases.

“During a surge naman, sinupport naman namin ‘yung paggamit ng face shield dahil siguro kahit papa’no baka may added layer of protection ‘yan,” pahayag ni David.

“Pero sa ngayon, hindi pa naman siguro kailangan ‘yan,” dagdag ni David.

Pagsisiguro naman ni David na malayo pa ang Pilipinas para masabing nakasailalim ito sa seryosong COVID-19 surge.

“Malayo pa naman tayo umabot sa medyo malalang surge sa ngayon kahit na magkaroon ng uptick kasi napakababa ng bilang ng kaso natin,” saad pa ni Davd.

“I mean, kung umabot tayo sa mga a few thousand cases per day mula ngayon sa mga [200] to 300 eh medyo magiging serious na talaga ‘yung usapan dito. Pero sa ngayon, hindi pa naman agad-agad aabot tayo sa sitwasyon na may mga a few thousand cases per day tayo,” paliwanag pa ni David.

 

(Toni Tambong)

 

The post OCTA: Muling pagsusuot ng face shield hindi pa irerekomenda appeared first on News Patrol.



OCTA: Muling pagsusuot ng face shield hindi pa irerekomenda
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments