433 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Dec. 25

 

Umakyat na sa 2,838,381 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 433 ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Tumaas pa ang bilang ng mga nahawaan ng virus kumpara sa naitala na 310 kahapon.

May naitalang 369 na gumaling para sa kabuuang bilang na 2,777,818 (97.9%)

Nasa 137 naman ang nasawi para sa kabuuang bilang na 51,187 (1.80%)

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 9,376 (0.3%) ang aktibong kaso.

Tumaas din ang positivity rate ng 1.6 percent mula 1.4 percent base sa samples na 25,779 indibidwal noong Dec. 23, 2021.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 23, 2021 habang nasa limang laboratoryo naman ang hindi  nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

(NP)

The post 433 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Dec. 25 appeared first on News Patrol.



433 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Dec. 25
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments