Pinalawig pa ng gobyerno ang ikinakasa nitong National Vaccination Days hanggang sa Biyernes, December 3, ayon sa tagapagsalita ng National Task Force Against COVID-19.
“Short feedback lang sa tatlong araw na nakalipas na national vaccination natin, so maganda naman ang naging datos. Unang dalawang araw ay nakapagbigay ng mahigit 5 milyong vaccination jabs sa lahat ng ating mga vaccination sites at magpapatuloy ito, inaantay lang namin ‘yung official count para sa pangatlong araw at in-extend ito hanggang Biyernes no, hanggang bukas,” ani Ret. Gen. Restituto Padilla.
Matatandaang Miyerkoles pa nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na irerekomenda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng Bayanihan, Bakunahan hanggang Disyembre 3, na Disyembre 1 lang sana.
Patuloy namang hinihikayat ng NTF ang mga nais magpabakuna na pumunta sa mga vaccination site.
“So para doon ho sa nagnanais pa hong magpabakuna, patuloy pa tayong nagbabakuna at in-extend po nating hanggang Biyernes ang ating national vaccination day, at magkakaroon pa ho sa kalagitnaan ng Disyembre,” dagdag pa ni Padilla.
Nasa 5.1 milyong indibidwal ang nabakunahan sa unang dalawang araw, habang kinukumpirma pa ng mga health official ang bilang sa ikatlong araw.
Target ng gobyerno na makapagbakuna ng siyam na milyon.
(Toni Tambong)
The post Nat’l Vaccination Days, extended hanggang sa Biyernes, Dec. 3 appeared first on News Patrol.
Nat’l Vaccination Days, extended hanggang sa Biyernes, Dec. 3
Source: Trending Filipino News
0 Comments