Kasabay ng nalalapit na Kapaskuhan, sinalubong ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga Pinoy sa pagsisimula ng Disyembre.
Ayon sa Petron, ipinatupad nito ang P4.75 na bawas kada kilo ng LPG, at P2.66 kada litrong bawas sa AutoLPG simula Miyerkules, ala-1 ng hapon.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of December,” dagdag pa ng Petron.
Nagbaba rin ng presyo ng LPG ang Solane ng P4.37 kada kilo simula Miyerkules
Sa kabuuan ay aabot sa P48.07 hanggan P52.25 ang nabawas para sa regular na 11-kilogram LPG tank.
(Toni Tambong)
The post May rollback sa presyo ng LPG appeared first on News Patrol.
May rollback sa presyo ng LPG
Source: Trending Filipino News
0 Comments