Pulis na bumaril at nakapatay sa mag-inang taga-Paniqui, Tarlac noong 2020, namatay sa kulungan

Patay na si dating Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Si Nuezca ang pulis na brutal at harap-harapang pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 2020.

“This is to confirm the reported death of PDL Joel M Nuezca,” ayon sa pahayag ni BuCor spokesman Gabriel Chaclag.

Namatay si Nuezca sa New Bilibid Prisons kung saan siya nakapiit, alas-6:44 ng gabi noong Martes.

Ayon kay Chaclag,  dinala umanong walang malay ng mga kapwa preso si Nuezca sa NBP hospital matapos mahilo ng dating pulis.

“He was brought unconscious to the NBP Hospital by his cell mates at 6:30 PM yesterday while walking outside the dormitory purposely to go to the hospital after complaining of dizziness. But while walking, he collapsed,” ani Chaclag.

Dagdag pa ni Chaclag, hindi pa tukoy ang dahilan ng pagkamatay ni Nuezca.

“Investigation [is] ongoing to determine if there is foul play in the incident,” ani Chaclag.

Nasawi si Nuezca tatlong buwan matapos siyang hatulang guilty ng korte ng Tarlac sa salang pagpatay sa kanyang mga kapitbahay, ang mag-inang sina Sonia at Frank Anthony Gregorio, sanhi ng pagtatalo ukol sa “boga” explosion at right of way.

Sinentensyahan ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 si Nuezca ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong sa bawat kaso ng pagpatay.

Pinagbabayad din si  Nuezca ng halagang P952,560 sa pamilya ng mga nasawi.

(Toni Tambong)

The post Pulis na bumaril at nakapatay sa mag-inang taga-Paniqui, Tarlac noong 2020, namatay sa kulungan appeared first on News Patrol.



Pulis na bumaril at nakapatay sa mag-inang taga-Paniqui, Tarlac noong 2020, namatay sa kulungan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments