Mensahe ng Santo Papa ngayong Pasko: Alalahanin ang mga nangangailangan

(Photo courtesy: Vatican media thru CBCP news)

Alalahanin ang nangangailangan. Ito ang sentro ng Chrismas message ni Pope Francis sa pagdiriwang ng misa noong Pasko, December 25.

Nagdiwang ng isang vigil Mass sa St. Peter’s Basilica ang Santo Papa para sa humigit-kumulang 2,000 katao.

Sa kanyang homily, ginunita ng Santo Papa kung paano lumapit ang Diyos sa puso ng tao sa pamamagitan ng pagsilang ng sanggol na si Hesus.

Sinabi pa ni Pope Francis na ang mga taong walang malasakit sa mga mahihirap ay nakasasakit sa Diyos, kaya’t hinimok niya ang lahat na sa kabila ng mga naggagandahang dekorasyon ay alalahanin ang mga nangangailangan.

Ayon pa sa Santo Papa, si Hesus ay ipinanganak na walang dala kahit ano.

“Brothers and sisters, standing before the crib, we contemplate what is central, beyond all the lights and decorations, which are beautiful. We contemplate the child,” sinabi ng Papa sa kanyang homiliya kasama ang 200 Obispo, mga Cardinal at mga pari.

Sinabi pa ng Santo Papa na ang sanggol na si Hesus na isinilang sa kahirapan ay dapat magpaalala sa mga tao na ang paglilingkod sa iba ay mas mahalaga kaysa sa paghahanap ng katayuan o social  visibility o paggugol ng buong buhay sa paghahangad ng tagumpay.

“On this night of love, may we have only one fear: that of offending God’s love, hurting him by despising the poor with our indifference. Jesus loves them dearly, and one day they will welcome us to heaven,”

“On the day of Life, let us repeat: no more deaths in the workplace! And let us commit ourselves to ensuring this,” ayon pa sa Santo Papa.

Sa pagtataya ng United Nation’s International Labor Organization (ILO), mayroong higit sa isang milyong pagkamatay ang  nauugnay sa trabaho sa bawat taon.

Inihatid din ng Santo Papa ang kanyang  dalawang beses na taunang “Urbi et Orbi” (sa lungsod at sa mundo) na basbas at mensahe mula sa central balcony ng St. Peter’s Basilica.

(Jocelyn Domenden)

The post Mensahe ng Santo Papa ngayong Pasko: Alalahanin ang mga nangangailangan appeared first on News Patrol.



Mensahe ng Santo Papa ngayong Pasko: Alalahanin ang mga nangangailangan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments