Dalawa pang miyembro ng K-pop group na BTS, nagpositibo sa Covid-19

(Photo: File)

Dalawa pang miyembro ng K-pop group BTS  ang nag-positibo sa Covid-19 nitong Sabado, December 25.

Nagpositibo ang dalawang BTS member pagbalik nila sa South Korea mula sa kanilang kauna-unahang pandemic-era concert sa Amerika, ayon sa Big Hit Music, ang management company ng grupo.

Si Rapper RM, 27 at bokalistang si Jin, 29, ay nagpositibo rin sa COVID-19 isang araw lamang  pagkatapos unang magpositibo si Suga, ang songwriter at rapper ng grupo.

Ang tatlo ay kumpletong bakunado na ng second dose ng Covid-19 vaccines noon pang August, sabi pa ng kanilang management.

Ang BTS ay nanguna sa global K-pop craze simula pa noong 2013  dahil sa kanilang upbeat at catchy music.

Naging patok rin ang lyrics ng kanilang mga kanta na tungkol sa youth empowerment.

Ang katatapos lamang na concert sa Amerika ang unang concert na ginawa ng BTS simula noong 2019, kung saan nag-tour sila sa Asia, Europe at North America.

Si RM ay nagpositibo noong naghahanda na sana sa paglabas sa pagtatapos ng kanyang mandatory quarantine. Walang naramdamang sintomas si RM, sabi pa ng Big Hit Music.

Si Jin naman ay nag-negatibo sa pangalawang pagkakataon matapos mag-quarantine, pero kalaunan ay nagpositibo sa virus pagkatapos makaramdam ng mild symptoms.

Hindi nagkaroon ng contact sa ibang BTS members sina Jin o RM pagkatapos nilang bumalik sa South Korea, dagdag pa ng Big Hit.

(NP)

The post Dalawa pang miyembro ng K-pop group na BTS, nagpositibo sa Covid-19 appeared first on News Patrol.



Dalawa pang miyembro ng K-pop group na BTS, nagpositibo sa Covid-19
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments