BRP Tubbataha at BRP Malabrigo, nagdala ng food packs sa Bohol

(Photo courtesy: PCG)

Nakapagdala na rin ng ayuda ang iba  pang barko ng Philippine Coast sa Ubay, Bohol.

Dumating kahapon sa Tagbilaran port ang  BRP Tubbataha (MRRV-4401) at BRP Malabrigo (MRRV-4402).

Dala nito ang 3,000 family food packs para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette  sa Ubay, Bohol.

Ayon sa PCG, tuloy-tuloy ang paghahatid nila ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Odette.

“Kung mayroon mang pinakamahalagang regalo na natanggap natin ngayong kapaskuhan, ito marahil ang muling pag-usbong ng bayanihan para makabangon ang bansa sa epektong iniwan ng Bagyong #OdettePH, mensahe ni Commandant, CG Admiral Leopoldo V. Laroya .

Tiniyak din nito ang maigting na paglilingkod lalo na sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

“Makakaasa kayo sa pagpapatuloy ng ating relief operation, medical mission at iba pang inisyatibo para maibigay ang kanilang pangangailangan,” dagdag pa ni Laroya.

Naniniwala si Laroya na sa tulong ng PCG Support System Foundation Inc. at iba pang organisasyong katuwang ng PCG, magiging mabilis ang pagbangon sa pinsalang iniwan ng bagyo.

(Jocelyn Domenden)

The post BRP Tubbataha at BRP Malabrigo, nagdala ng food packs sa Bohol appeared first on News Patrol.



BRP Tubbataha at BRP Malabrigo, nagdala ng food packs sa Bohol
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments