Kinumpirma ng Hong Kong ang 25 imported COVID-19 cases nitong Sabado, December 25.
Inanunsyo din ng otoridad na ipatitigil ang Cathay Pacific flights mula London, Korean Air services mula Seoul at Emirates Airlines flights mula Dubai ng dalawang linggo matapos na makumpirmang infected ang kanilang dinalang mga pasahero.
Sa 25 kaso, 10 ang nakitaan ng strain na kagaya ng sa Omicron variant, pero hindi pa ito opisyal na kinukumpirma ng mga otoridad.
Ang mga infected na pasahero ay mula sa 11 bansa. Kabilang dito ang Britain na may siyam na kaso, Kazakhstan na may limang kaso at tig-dalawang kaso naman sa India at Pakistan.
Ilan din sa mga pasaherong dumating ay mula sa South Africa, Russia at United States.
Pito sa dumating na British ay sakay ng Cathay Pacific noong Huwebes, December 23.
Ito rin ang kaparehong araw kung saan nagpatupad ang airline ng pre-flight antigen test para maiwasan na makasama sa ban.
Ayon naman sa Hong Kong airline, sinuspinde na nila ang flights mula London’s Heathrow Airport ng dalawang linggo simula ngayong Linggo, Dec. 26 hanggang January 8.
Inihinto rin ang biyahe ng Virgin Atlantic at British Airways kung saan ang mga services sa British capital ay naka-hold hanggang sa isang taon.
“Due to recent government restrictions, we unfortunately must announce cancellations for all flights departing from London Heathrow to Hong Kong, from December 26 up until January 8, 2022,” pahayag ng Cathay sa kanilang Facebook page.
Kinumpirma rin ng Hong Kong government ang ban sa Emirates na may dalawang positive cases at isang pasahero na may maling paperwork.
Kasama rin sa ban ang Korean Air na sakay ang limang Hong Kong karate athletes mula Kazakhstan via Seoul.
(NP)
The post 25 imported COVID-19 cases, kinumpirma ng Hong Kong; airlines, dalawang linggong naka-ban appeared first on News Patrol.
25 imported COVID-19 cases, kinumpirma ng Hong Kong; airlines, dalawang linggong naka-ban
Source: Trending Filipino News
0 Comments